Ang pera ng bawat isa sa atin ay may kapangyarihan...
Sentimo, piso, bente, isang daan o isang libo man yan, ito ay makapangyarihan. Pero ang kapangyarihan nito ay nakatago at hindi mo basta basta mailalabas. Kailangan mong makuha ang tamang kundisyon, timpla o tamang paghawak sa kapangyarihan para magamit ito. Hindi mo ito madadaan sa madalian. Hindi katulad ng kapangyarihan ni Superman na kahit alisin ang kapa at pulang brief ay andun pa rin ang super strength niya o ni Spiderman na kahit maging normal na photographer ay mayroon pa ring sapot sa kanyang kamay. Para magamit mo ang buong kapangyarihan nito kailangan mong matuto ng disiplina at dumaan sa pagsasanay. Parang sa basketball lang, si Jordan ba pinanganak na ganun na agad kagaling maglaro? Hindi,‘di ba? Dumaan din siya sa isang mahabang pagsasanay.
Mayroon akong ibabahaging maikling kwento sa'yo. Hindi ko lang alam kung narinig mo na ito pero napakaganda ng kwentong ito. Ito ay ang pabula ni Aesop na
“The Goose that Laid the Golden Eggs ™”
Sa isang malayong lugar mayroong mahirap na magsasaka. Sa sobrang hirap niya, nakatira lang siya sa isang kubo at papag ang higaan nya. Nuong araw hindi naman talaga siya mahirap dahil malaki ang lupain nila at malawak ang sakahan nila na iniwan sa kanya ng kanyang ama. Ngunit itong magsasaka na ito ay tamad at ayaw magtrabaho. Dahil dito unti-unti niyang binebenta ang kanilang lupain hanggang sa kakaunti na lang ang natira na kung saan sapat lang para sa bahay niya at sa alaga niyang gansa. Hanggang sa dumating na walang wala na siya at sabi niya, “bukas ibebenta ko na din itong gansa at hindi naman nangingitlog.” Kinabukasan pag-gising niya nilapitan niya ang gansa para kunin ngunit may napansin siyang kumikinang. Nakita niya na nangitlog ito ng gintong itlog. Purong ginto ang itlog. Hindi siya makapaniwala at agad-agad niya itong dinala sa palengke upang ibenta. Ang dami niya agad pera at dahil ilang araw na siyang hindi kumakain bumili siya ng madaming madaming pagkain hanggang sa konti na lang ang natira sa pera niya. Busog na busog siya at dahil dito agad siyang nakatulog. Kinabukasan pag-gising niya ay napansin niya na nangitlog ulit ang kanyang gansa ng gintong itlog. Dinala niya ulit ito sa palengke para ibenta. Sa kanyang pera na pinagbentahan ay bumili siya ng sasakyan. Hanggang sa araw-araw ay nangingitlog ng gintong itlog ang kanyang gansa at araw-araw ay bumibili siya ng kung anu-ano tulad ng lupa, bahay, cellphone hanggang sa yumaman siya. Sa pag-daan ng araw, sa kanyang pag yaman ay naiinip siya at nakukulangan sa kinikita niya kada araw dahil isa lang ang kayang ilabas na itlog ng kanyang gansa kada araw. Nang bigla siyang may naisip! “Ano kaya kung hiwain ko sa gitna itong gansa para makuha ko lahat ng itlog niya?” Sabi niya sa sarili. “Tama!” Kinuha niya ang pinakamatalas niyang kutsilyo at mabilis na hiniwa ang gansa. Nagulat siya sa kanyang nakita. Walang itlog sa loob ng gansa. Dahil hindi siya nakuntento ay wala ng gansa na mangingitlog ng gintong itlog araw-araw. Nagdaan ang mga araw at unti-unti niyang binebenta ang kanyang kagamitan dahil wala na ulit siyang pera upang makakain siya ng tatlong beses kada araw at bumalik sa pagiging mahirap. Isang araw sa pagbebenta niya ng gamit sa palengke ay may nakatanda sa kanyang lalaki. Tinawag siya ng lalaki at laking pasasalamat nito sa kanya. Nagtaka siya kung bakit ito nagpapasalamat kaya tinanong niya ito “Bakit ka nagpapasalamat?” “Naaalala mo ba yung gintong itlog na binenta mo sa’kin? Nilagay ko ito sa incubator hanggang sa mapisa. Inalagaan ko hanggang sa lumaki at sa paglaki ay nangitlog din ito ng ginto. Hindi ko binenta yung itlog niya at pinabayaan kong mangitlog pa siya ng madami. Hanggang sa madami na silang nangingitlog ng gintong itlog. Dahil sa isang itlog na binenta mo ay yumaman ako.” Sabi sa kanya ng lalaki. Doon nalaman niya kung ano ang kanyang mga pagkakamali.
Ang ganda ng kwento hindi ba? Marami sa atin na halos ganyan ang ikot ng buhay. Hindi man literal na mahirap at hindi man tamad ngunit halos ganyan ang takbo ng buhay. Ang gintong itlog ang nagrerepresenta sa pera at ang gansa ay ang kakayahan natin na gumawa ng pera. Ang payday ay ang araw kung saan nangingitlog ang ating gansa. Kung gagaya lang tayo sa lalaki na pinagbentahan ng gintong itlog, kung aalagaan natin ang pera, bibigyan ng tamang kundisyon at sapat na oras ay magiging gansa ito at madadagdagan ang kakayahan natin na gumawa ng pera. Hindi ito madalian ngunit hindi ito mahirap gawin. Ang kailangan lang dito ay disiplina dahil alam naman natin na kung minsan ay kulang pa ang kinikita natin dahil sa mahal ng bilihin ngayon. Pero bakit ba ganun na lang kamahal ang bilihin ngayon? Paano natin ito malulusutan at lalabanan? Alam kong mejo mahaba na ito kaya puputulin ko muna. Sa susunod ay ibabahagi ko sa inyo kung ano naman Ang Kahinaan ng Pera at Paano ito Lalabanan.
Sana ay may natutunan kang aral dito. Pwede mo itong ishare kung sa tingin mo ay may maitutulong ito sa iba. Pwede ka ding magcomment o imessage ako kung may nais kang linawin o tanungin. Samahan mo ako at sabay nating labanan ang kahirapan!
Bilib ako sa’yo dahil tinapos mong basahin ito. :) Ibig sabihin niyan ay binibigyan mong importansya ang iyong kinabukasan at ayaw mong magpa-alila sa pera sahalip ay gusto mong gawing alila ang pera.
Kasama mo sa kaunlaran,
Paul Aguilar
PS: Download mo ang libreng ebook na bigay ni Bro. Bo Sanchez na “My Maid Invest in the Stock Market.. And Why You Should Too” at malalaman mo kung paano mag invest sa simpleng paraan sa stock market. DOWNLOAD HERE!
PS2: Pag aralan ang Internet Marketing upang kumita ng extra gamit ang internet.
Pwede kitang tulungan at turuan. Visit here: GUSTO KONG MATUTO!